RSS

Barangay Alangilan

 Official Seal ng Barangay Alangilan, Batangas City

Simbolo

Malaking Letrang “A”     -  Alangilan
Balisong                       -  Batangas
Bulaklak ng Ilang-Ilang - kung saan nagmula ang pangalan ng Barangay                                                       
Sulo at Libro - 10 eskwelahan na nakatayo sa Barangay                                                                       
Mga Tao - Nagkakaisang 17,500 mamamayan ng Barangay                                                                      



Misyon

       Layunin ng Barangay Alangilan na isulong ang isang maunlad, malinis, at tahimik na pamayanang may malalakas, matatalino, masisipag at may takot sa Diyos na mga mamayanan sa pamamagitan ng isang pamunuang may tunay at taos-pusong paglilingkod at nasasakupang may pakikiisa, pakikipagtulungan at pagmamahalan.


Pananaw

       Isang huwarang Barangay na maunlad, malinis, tahimik na may kaaya-ayang kapaligiran at mamamayang nagkakaisa, disiplinado, masayang nagmamahalan sa isa’t – isa sa gabay ng Panginoon.




HISTORICAL AND CULTURAL DATA OF ALANGILAN

I. Official Name of the Barrio –      Alangilan, Batangas City. Its name came from the Ilang-Ilang tress which were abundantly found near the river Alangilan.           
                                                        
II. Original Families – Aguda; Aguba; Alea; Bay; Beredo; Casañas; Gualberto; Lopez; Melo, Ramos

III. List of Barrio Captain :
1. Emiliano Beredo          -        1800’s
2. Lucas Lopez                -        1800’s
3. Jose Beredo                -        1904
4. Maximiano Casas        -        1920’s
5. Julio Beredo                -        1930’s
6. Sancho Clet                 -        1930’s
7. Miguel Contreras         -        1940’s
8. Pedro Maranan            -        1940’s
9. Crisanto Ramos           -        1940’s
10. Meliton Mercado        -        1951-1961
11. Roman Clet               -        1960’s
12. Felix Contreras          –        1960’s
13. Rogelio Alea              -        1970 - 1989
14. Gloria Montalbo         -        1989-2007   
15. Guilberto Alea            -        2007-present

IV. Demography           -
Land Area                       -        270 Hectares
Population                       -        17,500
No. of Families                -        4,600
No. of Households           -        3,200


Kasaysayan

1700’s
          Panahong 1700’s ng nasabing laging dumaraan ang mga dayuhang kastila papuntang Batangan at lagi nilang naaamoy na napakabango ng lugar na ito na noo’y napakaraming puno ng Ilang-Ilang at maraming laglag na bunga at bulaklak ito, kaya’t nasasamyo ng mga dayuhan habang dumaraan sa tabi ng Ilog Alangilan. At simula noon, ang lugar na ito ay tinawag na Ilang-Ilang na sa kalaunan ay naging “ALANGILAN” dahil sa “SLUNG” na pananalita ng dayuhan.
1800’s
          Panahong 1800’s ay walang opisyal na namumuno sa Barangay Alangilan sapagkat noong panahong yoon ay iilang bahay at pamilya at magkakamag-anak ang nakatira dito kaya’t ang pinaka-matanda ang itinuturing nilang pinuno o nagmamatanda sa lugar na ito. Na kapag may mga problema at suliranin sa lugar ay ang “nagmamatanda” ang umaayos. Siya din ang nagsisilbing namumuno sa kung anumang okasyon sa Barrio gaya ng pakasal, pabinyag, burol at iba pa. Ang nagmamatanda rin ang tagapanatili ng kapayapaan ng Barrio. Ang naitalang mga gumanap nito ay sina Emiliano Beredo at Lucas Lopez noong panahong yoon.
1900’s
          Taong 1904 ang kauna-unahang naitalagang Teniente Del Barrio ng Bario Alangilan si G. Jose Beredo Y Casañas. Itinalaga siya at nanumpa kay Presidente Municipal Jose Arguelles ng Municipalidad ng Batangan.
          Sapagkat may naitalaga ng mamuno sa Barrio ay nagsimula ng naramdaman ang tulong buhat sa Gobyerno tungo sa kanayunan. Panahon ng Commonwealth ng naipagawa ang daang Nacional (National Road), ang siyang kauna-unahang malaking proyekto ng Gobyerno na pinakinabangan ng mga taga-Alangilan at naging maalwan ang transportasyon ng kalesa at paragos papuntang “bayan”.
1930’s
          Ito ay panahon pa ng Commonwealth na ang naging pangulo ay si G. Sancho Clet at G. Julio Beredo at sila ay magkatulong sa pagpapaunlad ng nasabing Barangay. Katunayan ay sa pamamagitan ni G. Sancho Clet ay nagkaroon ng Paaralang Elementarya ng Alangilan na siya ang nag donasyon ng lupang kinatitirikan ng nasabing Paaralan at siya rin ang naging Punong Guro ng Paaralang Elementarya ng Alangilan.
          Taong 1940’s ng nilusob ng Hapon ang ating Bansa at isa ang ating lugar sa naapektuhan ng kahirapan at kaguluhan sapagkat may naitayong kampo o Garison ang hapon dito sa Alangilan na ngayon ay Sitio Ibaba.
          Karamihan sa mga taga-Alangilan ay lumikas papuntang Banaba, Rosario, San Pedro at iba pang lugar na malayo sa Garison.
          Ang ilang kalalakihan naman ay sumapi sa Guerilla para lumaban sa Hapon gaya nina G. Anastacio BeredoG. Feliciano Javier, Policarpio Ramos, Servillano Culla, Anselmo Beredo, Francisco Casas, Pablo Santoyo, Timoteo Cena, Eugenio Maranan at iba pa. At ang ilan namang naiwan dito sa Barrio ay nakaranas ng pagmamalabis at kalupitan ng Hapon. Sapagkat andito sa Barangay ang Garison ng Hapon ay kinakailangang yumuko ng paggalang kapag dadaan sa Garison at kapag may nakasalubong na Hapon ay pinaparusahan ang sinumang hindi nagawa nito.
          Nang matapos ang panahon ng Hapon ay muling nagbalikan ang mga taga-Bario upang ayusin ang kanilang mga bahay at kabuhayan.
          Taong 1950’s - 1960’s, panahon na naging pangulo si Meliton Mercado, taga-Sitio Ibaba. Panahon niya ng nabuo ang Barangay Tanod. Ang mga Barangay Tanod ay grupo ng mga kalalakihan na nag boluntaryo upang maglingkod sa Barangay upang mapanatili ang katahimikan sa Barangay.
          Sa panahon ding ito na karamihan sa mga kalalakihan sa ating Barangay gaya nina G. Teodoro Garcia, Diego Punzalan, Silvestre Cordero at iba pa ay nagrebelde sa pamahalaan ni Pangulong Elpidio Quirino na noon ay Presidente ng Republika ng Pilipinas, na ang mga ito ay nakasimpatya sa natalong Pangulo na si Dr. Jose Laurel na isang Batangueño na sa paniwala nila ay siyang tunay na nanalo sa eleksyon kaya’t ang mga ito ay namundok kasama pa ang ilang kalalakihan ng Region IV bilang pagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa pamahalaan.
          Panahong 1960’s ng nasabing sumigla at uminit ang pulitika lalo na ang pang-Panguluhan ng Barangay sa pagitan nina Pangulong Roman Clet at Pangulong Felix Contreras na nagmula sa dalwang pinakamalaking angkan sa Barangay. Nang panahon ding ito nagsimula ang mga tuklong at kapisanan sa mga pook at nagdaos ng kani-kanilang pa-fiesta sa kani-kanilang purok. At nagkameron ang Barangay Alangilan ng tatlong (3) Purok, ito ay ang mga Purok Malinis (na ngayon ay Sitio Ilaya) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Felix Contreras, Purok Masaya (na ngayon ay Sitio Centro) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Anastacio Beredo at Purok Magsimpan (na ngayon ay Sitio Ibaba) na pinamumunuan ni Vice Barrio Lieutenant Rosalio Alea.
          Taong 1970’s – 1980’s, panahon ni Pangulong Roger Alea ng magsimulang dumami ang mga tao sa Alangilan sapagkat dito nagsimula ang pagtatayo ng mga Subdibisyon gaya ng De Joya, Nueva Villa at Beredo Subdivision at nasundan pa ng ilang Subdibisyon ang nagtayo sa ating Barangay. Napiling dito sa ating Barangay magtayo ng mga Subdibisyon sapagkat higit na mataas at maganda ang lokasyon sa kabayanan at ang lugar na ito ay maayos tirahan dahil sa malapit sa bayan.
          Panahon din ni Pangulong Roger Alea at Pangulong Gloria Montalbo ng simulang maayos ang patubig, pailaw at pagpapa-konkreto ng ilang daanan or Brgy. Roads, Health Center at iba pa.
          Taong 1989 ng mahalal na Pangulo si Gng. Gloria Montalbo, ang kauna-unahang pinunong babae sa kasaysayan ng ating Barangay, na matagal ding naglingkod bilang Konsehal ng Barangay sa ilalim ng kanyang bayaw na si Pangulong Roger Alea. Dito nagsimulang pagkaisahin ang mga noo’y iba’t ibang petsa ng kapistahan sa kada purok. At noong Mayo 1, 1989 ay naganap ang kauna-unahang ka fiestahan o Barangay Day ng Barangay Alangilan at ito ay ipinagdiriwang hanggang sa ngayon. At noong panahon ding ito, nagtayo ng mga paaralang pampribado at Unibersidad gaya ng Casa Del Bambino, Marian Learning Center & Science High School, PBMIT (na ngayon ay Batangas State University (BSU) – Alangilan Campus) at iba pa. Sa kanyang pamumuno ay nag-umpisa na isaayos ang mga pathway, Barangay RoadOpen Canals, at pagsasaayos ng Health Center. At hanggang sa ngayon, siya ay naglilingkod bilang pangulo ng Senior Citizen ng Barangay Alangilan.



2000 – present
          Sa panahong ito ay patuloy na dumami ang mga establisyimento at mamumuhunan sa Barangay na nagresulta ng mas malaking Annual Budget ng Barangay.
          Taong 2002 ng maitayo ang Barangay Hall ng Alangilan sa pamumuno ni Mayor Eddie B. Dimacuha at sa pagsusumikap ng Sangguniang Barangay ng Alangilan sa pamumuno ni Pangulong Gloria Montalbo.
          Taong 2007 ng maihalal ang isa sa pinakabatang Brgy. Chairman sa Kasaysayan ng Barangay sa katauhan ni GUILBERT BEREDO ALEA, dating kagawad ng 10 taon at isang Reserved Officer ng Philippine Navy. Sa loob ng unang termino ay napakaraming Reporma at Proyekto ang nagawa ng bagong pamunuan gaya ng pagpapaayos ng mga Brgy. Roads, Infrastructure Projects, Renovation ng Health Center, Basketball Court, Regular na pag duty ng mga kawani at Opisyal ng Barangay, Streetlights, Canal’s, Creating Brgy. Seal, Sports Development at napakarami pang iba.
          Sapagkat nabibilang sa sektor ng kabataan si Pangulong Alea, ay pinagsumikapan niya ang pakikilahok ng kabataan (Youth Involvement) sa mga proyektong Barangay gaya ng mga pa liga, Cultural Presentation, Operation Linis at iba pa.
          Nang panahon ding ito, binansagan ang Barangay Alangilan bilang “HOME OF THE CHAMPIONS” ng Punong Lungsod sapagkat palaging nakukuha nito ang kampeonato sa palakasan lalong lalo na ang larong Softball, Cultural Contest at iba pang patimpalak at nagsimulang makilala saan mang sulok ng probinsiya at ng Region IV. Sa panahon ding ito, marami ang nagparehistro bilang mamamayan ng Alangilan na dati rati ay may bilang na 4,000 lamang ang nakarehistro hanggang dumami ng dumami na humigit kumulang sa 8,000 mamamayan ang nagparehistro hanggang sa kasalukuyan.
          Muling nagtala si Pangulong Guilbert Beredo Alea ng kasaysayan na sa kauna-unahang pagkakataon ay walang lumaban sa pang-Panguluhang Eleksyon noong 2010 Barangay Election na isa sa pinakamalaking Barangay sa Probinsiya ng Batangas na mahigit 17,500 residente.
          Sa kasalukuyan, ngayong 2011 ay naganap na ang matagal ng pinapangarap ng mga taga-Brgy. Alangilan, amg magkameron ng sariling MULTI PURPOSE COVERED COURT na siyang pagdarausan ng mga Palaro, Pagtitipon, Cultural Presentation at iba pa. Ito ay nagkaroon ng katuparan dahil sa kagandahang loob nina Ms. Paciencia Beredo at Dr. Jose Beredo na nagbigay ng lote at si Mayor Vilma Abaya Dimacuha na siyang naglaan ng pondo para sa nasabing pangarap na Covered Court ng taga-Barangay Alangilan. At ito ay sa pagsusumikap ni Pangulong Be-2 Alea at Sangguniang Barangay ng Alangilan. At sa bisa ng Resolution ay pinagkasunduan ng Sangguniang Barangay na pangalanan itong “Barrio Lieutenant JULIO V. BEREDO SPORTS COMPLEX” bilang pagkilala sa isa sa haligi ng ating Barangay at magulang ng mga nag donate ng lupa. Ito na hanggang sa kasalukuyan ang pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng ating Barangay.
          Sa kasalukuyan ay tuloy ang pag-unlad ng Barangay Alangilan at yan ay dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan ng kabarangay.

“KAYANG KAYA BASTA’T SAMA-SAMA”.

SANGGUNIANG BARANGAY ng ALANGILAN
2013 - Present

Punong Barangay
Guilberto Beredo Alea

Barangay Kagawad
Archie C. Tumambing
Gloria D. Montalbo
Danny D. Garcia
Ramon C. Melo
Henry A. Beredo
Marciano A. Andal
Luis A. Rivera Jr.

Ingat - Yaman
Reynaldo C. Beredo

Kalihim
Geraldine U. Medina




BARANGAY PERSONNEL

                       Brgy. Clerk II                                   Brgy. Clerk
                      Aurea D. Bautista                              Marvin A. Cascalla
  
                        Caretaker                                      Utility Worker
                      Carlos Medina                                     Jimerto Cahepe
                   Leonor Calingasan                                  Rodel Arellano
          
                      Traffic Aide                                        Messenger
                    Dario P. Ramos                                   Eddie Celemin JR.   
     
                                                        Driver
                                                Nordan Calingasan
                            
              Brgy. Sports Coordinator                     Brgy. Health Officer
                 Ramon G. Gualberto                                     Jose Casas



BARANGAY HEALTH WORKER

             BRGY. MIDWIFE                                          NURSE               
             Fernanda C. Casas                                   Arlene E. Castillo

              DENTIST                                                DENTAL AIDE
          Dra. Ching Dinglasan                                    Mercy D. Balmes                           
BHW
Ana Purita Perez
Helen Mercado
Marcia Melo
Welly De Castro
Imelda Ramos

Morena P. Untiveros               Dominga Guerrero                   Norma Capili
 Day Care Worker             Day Care Worker II              Day Care Worker
         

BARANGAY POLICE

CARMELO PUNZALAN
Chief of Police

JAIME DE VEYRA
Chief Investigator

PABLITO CUSTODIO                        RAFAEL MELO
VICENTE FLORES                             ISAGANI DE CASTRO
JOSE PADILLA                                 PAULINO MELO
CASIANO ORTIZA JR.                      FEDERICO MELO JR.
JIMMY INAO                                    VICTORIANO UNTALAN
REYNALDO ROVIRA                         EDDIE MERCADO
JOSE GAMBOA                                 NONILON GOMEZ
MARCELINO BANCO                         GREGORIO GUALBERTO
GIL AGUBA                                      MEDEL DELGADO

BARANGAY JUSTICE

Consolacion G. Valenzuela                             Nelson Aguila
Pedro Festijo Sr.                                          Gloria Montalbo
Arnel Landicho                                             Florante Serrano
Ramon Gualberto                                         Jayvee Villavicencio
Natalio Festijo                                              Ramon Ceradoy Jr.
Felicisimo Clet Sr.                                         Timoteo Asis
Ruperto Comia                                             Romeo Mier
Conrado Aguba                                            Romeo Culla
Carlo Garcia                                                 Celso Buenafe
Felipe Beredo                                              Alex Yanoc                             


LEGAL ADVISERS
Atty. Rd Dimacuha
Atty. Narciso Macarandang
Atty. Elmer Alea
Atty. Rolando Villa Delrey

SUBDIVISIONS OF BARANGAY ALANGILAN

Annalyn Subdivision                             Mr. Calvin Huela
El Puerto Real Subdivision                   Mr. Arnold Lacsamana
Madonna/Uptown/Carmel Subd.         Mr. Ponciano “Prose” Manansala
Nueva Villa Subdivision                        Mr. Vicente Marquez
De Joya Compound                               Mr. Jayvee Villavicencio
Sterling Heights Subdivision                Mr. Osmundo Macatangay
St. Peter Subdivision                            Mr. Obhet Ronquillo
St. Paul Subdivision                              Architect Florante Serrano
Golden Country Homes Phase I           Mr. Nelson Aguila
Golden Country Homes Phase II          Mrs. Baby Cua
Beredo Village                                      Capt. Rolando Abarintos
Beredo Compound                                Mr. Ruperto Comia
Mega Heights Subdivision                    Mrs. Estrell Mercado
Aguda Homesite                                   Atty. Arcinas
Aguda Subdivision                                Mr. Romulo Lopez
Aguda Village                                       Mr. Cris Aguda
De Claro - Punzalan Subdivision          Mrs. Auring Realon

SITIO’S OF BARANGAY ALANGILAN
Sitio Ilaya                                          Kon. Vilma Yanoc
Sitio Calumpang                                Mr. Arnel Landicho
Sitio St. Olan                                      Kon. Arvin Casas
Sitio Labac                                         Mrs. Josefina M. Lagman
Purok I Tramo                                   Mr. Jose Gamboa
Purok II Tramo                                  Mrs. Gemma Cañete
Purok III Tramo                                 Mr. Florencio Benolo
Purok IV Tramo                                 Mrs. Ma. Remedios De Torres
Diversion Road

LIST OF ACCOMPLISHMENTS
2007-present

  1. Basketball Court
  2. Construction of Stage
  3. Purchased of Lot
  4. Street Lights – Sitio Labac, Sitio Tramo, Castillo Road, St. Olan, Beredo Rd. etc.
  5. Construction of Open Canal – Sitio Tramo/Sitio Calumpang
  6. Construction of Brgy. Road – Sitio Tramo,Sitio Calumpang,Sitio Labak, Sitio Ibaba
  7. Concreting of Brgy. Road & Canal at Sitio St. Olan
  8. Construction of Dainage/canal – Sitio Ilaya Tramo
  9. Construction of Canal Cover
  10. Painting of Waiting Shed
  11. Renovation of Conference Hall & Barangay Hall
  12. Renovation of Health Center
  13. Dental Chair
  14. 2007,2008,2009, 2010 Christmas Gift Giving for Indigent Family (approximately 900 Families per year)
  15. Training Programs – Welding & Air-conditioning, Auto Electrical etc.
  16. Purchased of 2 Collapsible Tent
  17. Purchased of Medicine (Every Year)
  18. Musical Instrument
  19. Purchased of Public Address Amplifier & Digital Copier
  20. Medical Assistance for Indigent
  21. Burial Assistance for Indigent
  22. 2 Generators
  23. Purchased of Conference Table
  24. Purchased of Computer & Digital Camera
  25. Purchased of Sports Equipment
  26. Streetlight along National Highway
  27. Tricycle Patrol
  28. Purchased of Steel Filing Cabinet &  Clerical Table
  29. Purchased of Sump Pump for Flooded Areas
  30. Asphalt Overlay National Highway
  31. Asphalt Overlay - Sitio Tramo, St. Peter to Ilaya
  32. Welcome Marker Road
  33. Concreting Beredo Compound Extension (Brgy.Hall Rd.)
  34. Concreting Sitio Calumpang Extension
  35. Drainage Canal – Annalyn Road
  36. Completion of Concreting Tramo
  37. Drainage Canal – Tramo Ilaya
  38. Organizing the Community Band (only Community Band in Batangas City)
  39. Mass wedding – almost 25 Indigent Couples
  40. Creating a Barangay Seal
  41. Operation Tuli
  42. Creating & Organizing Volunteer Brigade
  43. Gawad Parangal para sa natatanging Barangay –Cluster Champion
  44. All year round Sports Activities – Softball, Baseball, Basketball, Volleyball, Bowling, Boxing (Fiesta)
  45. Given the Monicker “Home of the Champions”
  46. Multi-Purpose Covered Court
  47. Transparency and Accountability (Always Published the In and Out of Barangay Fund)
  48. 24 hours a day, 7 days a week Public Service

PRE-SCHOOL/ELEMENTARY/UNIVERSITY

1.   Alangilan Central Elementary School
2.   Marian Learning Center and Science High School
3.   Christ The Lord Institute 
4.   Batangas State University
5.   Casa Del Bambino Emmanuel Montessori
6.   Star Kids Learning Center
7.   Batangas Christian School
8.   Maranatha Christian Academy
9.   Duplex Day Care Center I & II
10.  Westmead International School

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 (mga) komento:

Josefina Lagman ayon kay ...

Congrats!

icessevadeboncoeur ayon kay ...

Slots Casinos Near Me | Mapyro
Play slots at top gaming and hotels in your state. We have 구리 출장안마 top picks 전주 출장마사지 for 대구광역 출장마사지 casino games and casino reviews. Address: 15406 S. Flamingo Road Address: 하남 출장마사지 15406 Flamingo Road, Flamingo, IL 60659 속초 출장마사지

Mag-post ng isang Komento